Sa panahon ding ito ay nagsimulang mapanood ang mga pelikulang malalaswa na tinatawag ding Pelikulang “ Bomba ” at mga akdang tungkol sa kahalayan. Ang mga awiting: Inang Laya, Pagpupuyos, Babae ka, Wala ng Tao sa Santa Felomina, Base Militar, Walang Lagay at Titser ay buhat sa Isipan ng mga nangungunang kabataang nagtatanong at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na naghahanap ng lunas. Maging ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio, telebisyon, o sa panahon ng demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng pamahalaan sa bayan natin noon. Naging palasak din ang panghihiram ng mga salitang Ingles, Kastila at iba pang likhang salita sa kanto at pabalbal. Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa panhong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda. “ Mga gintong Kaisipan”(1972)- ni Segundo Esguerra “ Sitsit sa Kuliglig(1972)- ni Rolando S. “ Peregrinasyon at Iba pang Tula”(1970)- ni Rio Alma “ Kalikasan” (1970)- ni Aniceto Silvestre “ Mga A! Ng Panahon” (1970)- ni Alejandro Q. Mga katipunan ng tulang naisa aklat sa panahon ng aktibismo: May tatlong katangian ang mga tulang naisulat sa panahong ito: Una, ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan Pangalawa, ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan at ang Ikatlo, ay ang tahasang masasabing labag sa kagandang-asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita. Ito ay ang imperyalismo, feudalismo, at facismo.Īng imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya ang feudalismo ay mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan at ang facismo ay ang pagiging diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa. May tatlong salita na kadalasang isinisigaw ng mga estudyante sa bawat pagmimiting o rally. Karamihan sa mga kabataang ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas. Maraming kabataan ang mga naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan.
Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972.